Site Details
Tagboard
your name:

url:

your message:



Just Behind The Glass Gallery




September 15, 2008 ::: 01:08 AM:::
 Category ::: General Rants
your comments? :::

Almost 2 months na pala since nung last post ko... daming pending na post... pero eto muna... mahirap pigilan ang silakbo ng damdamin eh.. mwahehehe...

ok.. naisip ko lang to kahapon habang nasa Awards Night namin sa SMX MOA. Syempre awards night yon, madaming tao, madaming guest... at isa ako sa mga napalad na mapasama sa mga "shortlisted" nominees for a specific category...

Bago lahat yan, registration part muna... eto ang eksena...

1. Are you one of the shortlisted nominees?
A: Yes...

2. Are you going together with a guest?
A: ................. nakatulala lang ako sa screen

parang nagshort circuit ang utak ko nun... di ko alam kung ano isasagot ko... dun na pumasok lahat ng kadramahan ko sa buhay...

---------------------------
Sayang... madali lang siguro sumagot sa tanong na yun kung indi nangyari ung mga nangyari nung nakaraan. Oo, pwede isama ang parents or friends mo... pero syempre... gusto mo pa din makasama kung sino ung gusto mong makasama.. ung taong espesyal sa yo.

Sayang... madali lang siguro sumagot sa mga tanong ng mga ka-office mate ko na... "O sino kasama mo bukas?"... sagot ko naman... "wala.. ako lang"

Sayang... masarap sana magshare ng tuwa na nararamdaman mo sa mga ganong pagkakataon...
---------------------------

Balik tayo sa kahapon... awards night na... cool... dala ko lang sarili ko.. tsaka si Francine... daming tao... daming photographers... madaming... ahem... magaganda :p

late na ko dumating.. 5:00 ung start ng program.. mga 5:45 ako dumating... nagliwaliw lang ako sa MOA around 4:30 onwards.. naghahanap kasi ako ng flash para sa camera ko... buti na lang nagtext ung officemate ko na nandun na sila.. kung hindi.. baka indi na ko naka-attend...

kasama ng friend ko ung GF nya sa awards night tsaka ung utol nya... ung iba kong officemates dumating din kahit ung party ang habol nila.. hahaha.. so ayun.. registration na... nakapasok kami at nanood ng program...

Ayos pala un.. tinatawag ung mga nananalo at pinapaakyat sa stage to get their plaque (tama ba spelling?) at konting kodakan sa stage... kunwaring pose at konting kamay sa mga nagbibigay... ayos na.. hahaha :D

dun na naman pumasok ung mga kadramahan ko sa buhay...

---------------------------
Sayang... kung matatawag ba ako dun... may sasalubong sakin sa yayakapin ako at sasabihin ang galing galing ko?... may libre kaya akong kiss at hug?

Sayang... may kukuha kaya ng picture ko habang pababa ako ng stage (kasi syempre sa kanya ko iiwan ung cam ko.. haha )

Sayang... maiishare ko kaya sa kanya ung nakuha ko? kahit sa simpleng tuwa at saya na lang...

Sayang... buti pa ung officemate ko... kahit di natawag.. I guess masaya sya

Sayang...

Sayang...
---------------------------

After ng awards night... Spongecola na! pampa-alis ng drama sa buhay... pagkatapos nun... sumibat na ko...

---------------------------
Sayang... may ihahatid sana ako

Sayang... may magiinvite sana ko kahit for coffee

Sayang... nasasayang lang buhay ko
---------------------------

Anyways... ayun lang... Naisip ko lang naman yan... pero ok naman ako.. hehe.. tanggap ko naman na yan... im just thinking out loud.... may konting panghihinayang... pero oks lang... ganun talaga ang life eh...

Minsan nga lang... indi alam ng ibang tao kung gaano sila kaimportante sayo... i guess sometimes... ite better to keep it for yourself than risking to lose everything...





Emote no?






*biglang nagising sa panaginip*

Related Entries

    jhengalfonso requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.