Site Details
Tagboard
your name:

url:

your message:



Just Behind The Glass Gallery




June 16, 2008 ::: 12:00 AM:::
 Category ::: General Rants
3 comments received :::

Pumunta ako sa lakad ng barkada nung sabado... syempre nag-aalangan ako... ayoko ko kasing gumawa ng dahilan para masaktan ako... pero tulad nga ng sinabi ng mga officemates ko... kelangan nating harapin ang dapat harapin... kaya pumunta na din ako...

Sa totoo lang... naiilang ako... so nilibang ko na lang sarili ko sa pagkuha ng mga pictures habang kumakain kami sa isang restaurant na hindi ko alam ang pangalan dahil sumunod lang ako kung saan sila papunta.

Pagkatapos kumain... nagkayayaan uminom... Dencio's Trinoma.. cool... let's get it on...

I dont know what's gotten into me pero gumawa ako ng isang munting experiment... Gaano kaya ako kabilis mahihilo dahil sa paginom..  at ano ang limits ko... :)

Ready... Game

Kung indi ako nagkakamali... 7 bottles ang tinira ko... all within 30 mins.. aun oks naman... konting pulutan at konting suka sa banyo at konting tulog sa table... oks na ko...

At isa pang dahilan kaya gnawa ko un... naghahanap ako ng lakas ng loob... ayun.. nakuha ko naman... niyaya ko sya makipagusap sa labas... kahit medyo hilo pa din ako...

Medyo na-realize ko lang na cguro na dapat na namin tuldukan ang lahat... ayoko na din... pagod na ko.. pagod sa lahat ng pag-aasar at sa lahat ng naninita.. pagod na ko makipaglokohan sa sarili ko... pagkakataon na cguro para tulungan ko sarili ko... so sinabi ko lahat... as in lahat...

sandaling usap... nagkaunawaan... nangako na hindi na kami magpaparamdam in any form of communication...

Oks naman ako sa ganun... matagal ko na gnagawa un eh... I just wish that she would do the same...

It just hurts to think na kelangan na lang natin ipilit na indi na pede maibalik ang dating friendship... pero minsan kelangan lang talaga isakripisyo ang isang bagay para sa ikabubuti ng lahat... para matahimik na... para tapos na...

Pero alam naman namin... we are there for each other... cguro sa mga crucial times na lang mangyayari un...

Ano natutunan ko sa lahat ng to?.... Mahirap uminom ng mabilis... nakakahilo... sobra...

cout<<

jhengalfonso requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on August 22nd, 2008 at 04:03 PM
mahirap uminom ng straight. tipsy agad. pag sinabayan ng halakhak, omaygad ang alcohol. parang lalong nakaka-tipsy at hilo :D
Comment posted on June 22nd, 2008 at 06:30 PM
ang sad naman :(

pero at least, matatapos na rin yung pag-asa na maaayos pa ang lahat kahit alam mong hindi na. yun ang pinaka-ayokong phase sa lahat e
Comment posted on June 22nd, 2008 at 06:36 PM
ganun talaga eh... kelangan na... nakakasawa na talaga eh...

Kelangan na ng konting pagmamahal sa sarili... bibigyan ko naman sarili ko kahit konit.. hehe